zyrille's journey to a new beginning

nagtanong pa! ask yola! she knows everything!

Thursday, September 09, 2004

updates........

Haha! Nakakatawa naman tagal ko na pa lang d sumusulat dito kabago bago pa lang tamad na agad. Anyway, I’ll try to remember kung anong mga nangyari nung mga nakaraang araw…….

Aug.22 – 23- tsk! La na ako maalala! Ay! Dinalaw pala namin ng kapatid ko si jam sa FEU hospital dahil may dengue siya………..yung lola ko umuwi sa navotas kasi miss na yung mga apo niya dun……at pag d ko raw siya tinigilan sa pangungulit d na raw siya babalik……. …….

Aug.24- pre-finals namin! Ang galing talaga ng teacher naming magbigay ng test! Sobra! Naalala ko tuloy si Tampus! Bumili ako card at pumunta ng mater at cnabi kay kuya Ronald na ibigay kay………..d pala ako pumasok sa loob….yoko nga dami monsters dun!

Aug .25 – 27- bumagyo! Kawawa naman mga friends ko stranded sa baha……si solei d ko alam bka stranded. si kaye tumambay sa ministop kasama nag mommy niya at dun sila mag hapon…. Si MM stranded sa school at si yola?......si yola!!!!!! Wahahahaha! Ok lang yan at least na experience nyo rin kung pano mastranded sa baha at pano lumubog sa baha…..wihihihi. ang mapapayo ko lang ay dapat lagi kayong magdala ng……………..DIA………..diaket, kapote, payong, boots at payong tapos pag suspended ang klase tumulong na lang sa mga traffic enforcers……..at least nakatulung ka sa kapwa tao na tulad mo ay stranded na rin.d ba yola? Malay mo may nakasalubong kang cute and you will be thanking God for sending the storm and you will be praying na sana bumabagyo araw-araw kahit na basang-basa ka na ( sabay kanta ng tuwing umuulan ni regine velasquez……buhos na ulan lunurin mong tuluyan hatid mo may bagyo dalangin ito ng puso kong sumamasamo pag-ibig ko’y umaapaw, damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa tuwing umuulan at kapiling ka………….wihi! kumakanta!) so what dba? Ok lang yan. Kaiingit nga e. nakita pala ni pia sina penguin at si nube sa Robinsons.

Aug.28- Sayang! May pasok na at syempre dahil iba na ang teacher, seryoso na talaga ang klase kaso mga 11 am, nagpaalam at magbibigay daw siya ng test sa ibang klase dahil kailangan……..ayun hindi siya bumalik 3 na! kaya yung iba kong classmates nag aya ng umuwi at ako….sa bagay la na battery hearing aid ko….umuwi na lang ako……( nyaiks! Bumalik yung teacher namin!) paguwi ko hinanap ko agad yung battery kaso la na pala….kaya postponed tuloy ang sleepover ko kela yola……sori yoles! At ang aking butihing kapatid sumama sa concert sa parish namin……ako bahay nuod tv kasama mama……..wahahaha! mga 12 dumating si papa galing laguna sinamahan kasi niya yung tita ko dun mag cater…….may dala nga pala si papa na buko pie from colette’s kaso tulog na ako kaya d ako nakakain……..si monmon 1 na umuwi…..

Aug.29- maaga kaming ginising ni mama dahil sisimba ng maaga sa DSP at walang misa sa chapel namin. Medyo late kami at marami ng tao sa loob ng simbahan kaya dun na lang kami sa labas buti na lang may upuan sa labas. Tapos ng misa dapat uuwi na kami kaso si kapatid gustong manuod ng lion dance (asus!) e kailangan ng umalis ni mama dahil magkikita sila ng pinsan ko sa st. lukes dahil may ibibigay siya……….si papa pupunta ng greenfields( bahay ng mga tita ko). Sa sobrang tagal ng diskasyunan nasalubong naming sina ninang elen, kenken, tita evelyn, jill, ate cathy, at joy at inaya kaming kumain sa salo- salo sa covered court. Sila mama sandali lang nagstay at kami ni mon2 naiwan. Ayun program, kainan, awarding. Nag speech si Father Nonette kaso d ko narinig la ako hearing aid e! yung food pinoy talaga! At si ate lala ang nagluto at sabi niya bawal daw ako kumain dahil la raw ako sa concert kagabi. Pag-uwi una kong hinarap ang buko pie. Sarap!

Aug.30- ang araw na napakarami kong iniisip (talaga lang ha lay!) na wala namang kwenta. una iniisip ko kung kelan talaga ang bday ni sister ludy…..gusto ko kasi siyang bigyan ng birthday card. Kasi mabait siya sa akin lalo na nung elementary pa ako. 2nd pano ko ipriprint yung report ko la ako pamasahe dahil d ako iniwanan ng pera ni mama! 3rd kung bibili pa ba ako ng baby stuff for penguin or wag na. 4th pano ako magrerport bukas e pinakahate ko ngang gawin yun! At pinaka last….bday na niya bukas at si letse flan next Monday! Since napakabait kong bata….sobra….as in Im a candidate for the search for the living saint! Mga 12 am pumunta ako cr ( dun lang ako hindi mapapansin!) at nag utter ng prayer for her, her family and her unborn child. At kinanatahan ko siya ng hapi birthday! Syempre sa isip lang e di naging candidate naman ako for mental hospital? b-day pala ni t.pearly ........d ko alam.......

Aug.31- wahahahahaha! May pasok ako at since d ko pa napaprint ang report ko 7 na d pa ako umaalis ng bahay hoping na sana may bukas ng computer shop…..bigla kong naalala si yola! Tumawag ako and mommy niya ang sumagot buti na lang ok lang na pumunta ako dun ng ganung oras (ewan ko kay yola kc tulog pa siya at mukhang napakaganda ng kanyang dream. Thanks pala ha! Hinulog ka talaga ng langit!). ayun pumunta ako sa kanila at nagpaprint…………..mayamaya umalis na ako kasi super late na talaga ako. Buti na lang at nakasakay ako agad ng bus na tumutulo ang aircon….tuluan ba raw ang report ko! Buti na lang at onti lang. Pag dating ko sa school ala! May exam! Nyaiks! D ko alam yun! Lagot! Buti na lang tinanggap nung teacher ko yung reason ko na nagpaprint ako dahil sabi niya report ko daw ngayon. Buti na lang at madali ang test kundi ewan ko lang! Maya- maya nagpakopya na naman at dahil sobrang haba ng pinakopya niya next week na raw ako magreport…….ang galing! I changed my mind na bumili ako ng card for sister ludy. La tinamad na. Umuwi na lang ako at nagpahinga ng unti at naglinis linis na ulit. Inabot pala ako ng napakalakas na ulan sa kalsada kaya yung uniform ko disaster! Toady nga pala ang kaarawan ni penguin. wish ko e sana lumipat na sila sa mt. apo kasama yung mga monsters sa mater tutal la naman silang kwenta.......pero yung baby iwan!

Sept.1- First Wednesday at since I want to ask Father Nonette for some advice, nagsimba ako. Late na nga ako dumating. Sa may gilid sa likod ako umupo at during his homily napansin ko yung mom ni yola at si yola! (c yola na naman!) Patay! D ko na talaga makakausap si Father since ang bastos ko naman kung hindi ko sila papansinin. At last nakita rin ako ng mom ni yola at tinuro ako kay yola. After the communion tumabi na ako sa kanila at pinagdasal ko na lang kung anong tama o mali. After naming magpabless kay Father inaya nila akong kumain sa haus nila. Pumayag naman ako. Mayamaya dumating na ang tita niya with her cousins and kaizen! (He is one of the cutest baby I’ve ever seen!) Bday kasi ng tito nila kaya celebrate sila. Since gabi na dun na raw ako matulog sabi ng mom ni yoles at buti na lang pinayagan ako…………Pag alis nila kaizen, nanuod kami ni yola ng a walk to remember ( sila fidel at rubi pinatulog na ng mom nila dahil skul bukas). Ganda sana ng movie kaso ordinary story lang at nahulaan ko agad kung anong sakit ni Mandy Moore……after the movie humiga na kami ni yola at chineck na muna niya yung ym niya sa cell………then tulog na kami..

Sept.2- 6 am nagising ako at wala na si yola! Yun pala naliligo na siya kaya kumain na muna kami ni tita yolly ng almusal syempre kwentuhan! After niyang magbihis, kain muna siya tapos may binigay ulit si tita yolly at umalis na kami. Punta siya la salle to get her grades. Bago ako umuwi sinamahan ko muna siya magabang ng fx at since tanghali na puno na lahat ng fx so nag bus na lang siya (after waiting for more than 15 min ata) Pagdating ko sa bahay, hindi pala pumasok si papa dahil may lagnat siya. D na rin nagreview si mama at babantayan niya raw si papa…..nice! BONDING KAMING APAT! Ayun naglinis ng haus at naglaro ng pc yun lang ang ginawa ko that day. Pumunta pala si tita leony sa bahay para batiin si monmon ng hapi bday at para pumasyal.

Sept.3 – My brother’s birthday!!!!!!!! Too bad nasa simbahan na yung kapatid ko nung nagising ako bibigyan ko sana siya ng kiss!!!!!!! Naglinis ako ng bahay. Dadating kasi yung mga tita ko with our pamangkins and cousins! Pumunta pala si Macy, ate chi’s very cute daughter. Marunong na siyang mag-opo! Kaso nagalit pala sa akin si pia kasi sinumbong ko siya sa tita ko na nakita siya ni kaye sa morayta na naninigarilyo…………..mga 9:30 umuwi na sila at rest na kami!!!!!

Sept.4- May pasok! Discussion ulit at next sat exam! Nice!!!!!!!!!! Uwian, inaya ako ng classmate ko na pumunta sa bahay ng classmate namin sa may litex d ako sumama kasi baka gabihin ako at saka yoko nga! La lang! ….umuwi. pahinga.saing.hain.hugas.tulog……..galit pa pala si pia. D pala umuwi si monmon dun siya sa classmate niya natulog.

Sept.5- nagsimba kami sa chapel. Paguwi namin la pa si monmon kaya inumpisahan ko nang maglaba at 5 na ako natapos sa sobrang dami ng labahan! Sira pa yung washing machine buti na lang yung dryer hindi. Galit pa rin sa akin si pia.

Sept.6- his birthday!!!!!!!!!letse!nakakatawa! ibang-iba talaga itong araw na ito kesa sa mga nagdaang sept.6. Why? Kc its just an ordinary day. La akong naramdaman. As in wala talaga! But I know he will always be__________ to me. Since he is still special (after many hours and days and months and a year of denying that somehow, after all the things that happened last year, deep inside,I still do care for them……..) Nagdasal ako for them at sana kung magkita man kami ulit , la nang hard feelings. At alam ko darating din yung araw na maiintindihan ko sila at maiintindihan nila ako. Kung bakit hindi pa rin nag-kukrus ang landas naming ni penguin, may dahilan yun at may time para dun………. At kung pupuntahan ko ba siya pag dumating na yung gift sa kanila, bahala na. “You can erase someone special on your mind but getting them out of your heart is another story.” siguradong magagalit na naman si yola si soi at si pia since i promised na kakalimutan ko na sila.


Sept.7- May pasok na ako! Ayun! Buti na lang pinagreport na ako. Ok naman kaso yung teacher naming ang daming tanong! Pagkatapos kong magreport nagpakopya na naman!HAHAHA! ayun! As usual. Umuwi ako agad. Pag-uwi ko pahinga at linis ng bahay. Galit pa si pia.

Sept.8- Its Mama Mary’s birthday! I called yola kung gusto niyang sumama mag simba. Buti pumayag siya at usapan daanan ko siya sa haus niya at 5:45. Kaso 5:00 dumating na si mama at papa kaya d ko na dadaanan si yola sa haus niya kita na lang kami sa simbahan. D na sumama si papa at pagod na raw siya si monmon na lang. Ayun at nagkita nga kami ni yola dun. Siya lang mag-isa dahil d siya sinamahan ni rubi. After the mass, kwentuhan papuntang sakayan ng tricycle. Bumuli muna si mama ng rambutan at binigay kay yola yung half for them. After that, tumawid na kami ng kalsada at nag goodbye na. Buti na lang pag-uwi namin may ulam at kanin na and to my relief….hindi crab!!!!!!!! Bawal kasi ako dun e……..after eating, hugas plates and then tulog! Ewan ko ba parang pagod na pagod ako……….galit pa rin si pia……..MM IS SICK!!!!!!!!!!!!

Sept.9- boring day! Ako lang ako mag-isa kaya internet sana ako kaya gawa na lang ako journal at next time naman yung testi……dumating na si lola!........namiss niya raw ako kasi la nangugulit sa kanya…AW!!!!!!!!! Galit pa rin si pia……… nanganak na pala si t. noreen........

















1 Comments:

At 11:40 PM, Blogger yoles said...

hi ..., dunno if i should write your name since it seems that you don't want others to find out your identity...(as if hindi obvious sa account ko haha)...anyways...its obvious that you're still struggling to forget that pair of ....haha...don't wanna continue since i might write something you wouldn't want to hear or in this case...read...anyways, i guess the only advice that i could give you (even though you're not asking for it & you probably don't wanna hear this especially from me, i believe that it's my duty if not my responsibility to give you some as a future psychologist or simply by being one of your longest friends) well, you can start by simply accpeting the situation...don't try to forget them nor avoid them but rather admit how you feel either in writing to this site, telling me,...etc...(but don't confront them without weighing the consequences of your actions cos you might regret it that will probably make the situation worst)..that's all for now my dear...miss you! =)

 

Post a Comment

<< Home