zyrille's journey to a new beginning

nagtanong pa! ask yola! she knows everything!

Sunday, July 24, 2005

Sometimes it’s much better to live in the world of dreams than to live in the world of reality….

I had 2 dreams last night….both dreams were about someone who has a space in my heart although that person is no longer there……

The first dream goes like this…..I was about to a ride a tricycle. The driver asked me where I’m going. I said building K please. At last the driver stopped at the front of the building K. I stared at the building for a few minutes and I felt nervous. I spotted a carinderia. Without thinking twice I went inside and I asked the chubby woman if she knows someone in this name. She looked at me and she picked up her phone and dialed a few numbers. A little later she handed me the phone saying SHES on the phone. The conversation was not pleasant. It’s the worst conversation ever. We are arguing. After a long hours of arguing, she slammed the phone……….i woke up….as the last leaves of hope in my heart fell. Helplessly….

I tried to sleep again… kaye and I were sleeping…..then a ray of sun peering through the window woke me up. I opened my eyes and I noticed that im not in my room. Im in someone else bedroom. …and I knew im dreaming again. …….the sun is shinning brightly outside. The warm breeze played with the clothes and the leaves outside when I saw a woman passed by the door. ITS HER. I woke up kaye and I told her that we need to fix the bed. While fixing the bed she entered carrying a set of pillow case. With a smile on her face she asked us if we could help her by changing the pillow case. Then she looked at the pillows and laughed. That’s one of the most beautiful laughter I ever heard. She said she brought the wrong size of the pillow case and asked us to come with her on the other room to get the correct size. We helped her clean the house and while cleaning we are all happy. Sharing stories, laughing at each others mistakes and so on….. It seems like everything is wonderful and I thought it will go on forever….then suddenly my mother woke me up…its over.

This is not the first time I had dream about them. In my dreams were okay. We were all living a harmonious life and friendship but in reality its opposite that’s why the title of the this blog is

Sometimes life in the world of dreams is much better than in the world of reality……… hehehehe my English is bad

Saturday, July 23, 2005

bored.....bored....bored....bored......BORED!

katatapos lang po naming magrosary at.......and this day is a very boring day and a very sleepy day too although ayoko matulog hehehehehe....inaantok pa nga ako eh....uhhhmmm....so what happend sa buong boring day????

Woke up around 7:00 pero tumayo ako 7:15 syempre tinatamad pa at nagsesend pa ng mga morning quotes sa mga human creatures na may meaning sa life ko.

tumayo, kumain ng almusal at higit sa lahat naglinis ng bahay......nagmisskol sa mga tao na ang nagtanong lang kung bakit ay ang aking butihing pamangkin.....see i had a boring day?????

Oh! yeah! dumating nga pala si tita leony para dumalaw dahil nga birthday ko last tuesday ayun kwentuhan sila to sawa ni mama 4:00 umalis na siya kc la raw tao sa bahay....

at ngayon ang aking ginagawa ay sumusulat sa blog...para cute...hehehehehe

at sa aking paglilibot sa friendster.....I saw a very lovely wedding picture. The beautiful dashing smiling bride was walking down the aisle with her parents on her side while her groom was singing their wedding song ,waiting for her. although her parents looked sad on the picture, it was so romantic!!!! plus the audience were all smiling... i was so touched by the groom's way of expressing her lovvve to his bride that i looked at their pictures over and over again. It was so sweeet.plus they also posted their cute son's pictures....hehehehe. shinare ko lang. mamaya i will post a wonderful love song sa blog ni yola. bagay na bagay sa kanila.....hehehehe hoping one day after 5 years of course sa kanilang picture naman yung tinitignan ko...hehehehe...sana yung 4 na love one ko makita ko naman kinakasal...although yung isa kasal na eh d pa naman po binabasbasan ng pari...para cute....

yesterday pala, after a few days, nagkita na naman kami ng crush ko. as usual we smiled at each other. but i have a question. am i doing the right thing? tama ba yung pagnagkikita kami nagsmile din ako. dba pagnagsmile ka malandi ka pag inisnob mo naman suplada ka....asus!!! what to do???? dra. Yola love heheheheheh...by the way whats wrong with your phone? pagtinatawagan ko lagi na lang may sound na NANANANANANANa. minsan out of reach...baka naman gusto mong ishare kung bakit di ka na nagtetext sa akin aside from being busy?

oh welll, dyan na muna ha.....kakanta na si gerald santos eh...hehehehehehehe....... he had a very beutiful voice that reminds me of someone.....his voice reminds me of someone NOT GERALD.......

by the way, d ko alam mga friends ni karl eh at saka i know his landline and his address..........=)

mukhang maganda ang laro ng mga tamaraws........my wish is sana magpalit ng pwesto ang lasalle at ang NU for a change....hehehehehehehehe

Wednesday, July 20, 2005

the birthday girl who still refuse to become a woman

Yesterday was my 20th birthday….so what happened? Gumising ako ng 5:00 ng umaga para maghanda sa pagsimba sa DSP kasama si Lola. Pagdating namin sa church eh patapos na ang homily…ano pa nga ba ang bago? Sa sobrang kabagalan ko at traffic kaya kami nalate. Yempre nathank you ako sa nakaraang taon at sa susunod pang taon. Nagthank you ako sa mga biyayang aking natanggap d lang last year kundi sa loob ng 20 years. Nagpasalamat din ako dahil lagi silag nasa tabi ko at d ako pinababayaan at lagging dinidinig ang aking mga dasal.

After tha mass umuwi na kami at syempre naglinis ng bahay……..11:00 tumawag si mama at sinabing magkikita raw sa sm para kumain. 12:15 kami malis ng bahay pero si mama 1:00 na dumating galing Chinese gen. dahil nag ecg siya dun. Kumain kami sa super bowl sa may ground floor at masarap naman ang mg food dun…Chinese eh…Chinese? Ohhhhhhh……

Dapat uuwi na kami eh kaso sabi nila since may pera ako sabi nila buy daw ako ng damit dahil muka na daw akong yaya. Sabi ko ayako! Yoko nga….saka na lang pag dami na kami pera…pero ang aking mapilit na kapatid pumili daw ako ng sandals at siya raw magbabayad …no choice kc makulit eh. Kaya yun bumili na rin ako… ( kaya pala ayoko bumili ng sandals kc my toenails are dirty eh I forgot to trim them…yucky! Gugupitin ko na sila later. At saka yung sales attendant ba naman guy tapos cute pa so kaya nahihiya akong ilabas yung paa ko. ….tsk…tsk…another lesson for the day! Gusto rin akong ibili nila mama ng lip gloss…anong gagawin ko sa lip gloss eh once a month nga lang ako kung lumabas ng bahay. Lumabas man after an hour balik agad. Kaya ayako….asar na asar sila kc ayoko pang magayos eh muka na nga raw akong alalay nila…pano raw ako mapapansin niyan? Nyehhh…basta ayoko pa…saka na pag may pera na po.

Pag-uwi nadatnan namin si aldrin at si Marjorie. Akala siguro ng mga mama at papa nila eh may handa ako. wala pa naman kaming dalang food kaya nagluto na lang ng piniritong saging na hindi ko nakain dahil tumawag na si Janelle. Duon na rin namin pinakain ng hapunan sila.

Pumunta na ako kay Janelle at naabutan ko siyang gumagawa ng assignment (Thank you!) at nagagalit dahil 3 pa raw siya nasa bahay eh 4 na syempre sabi its my birthday kaya lumabas kami at sinabi ko sa kanya na tapusin na niya yang ginagawa niya at gagawan ko siya ng test sa math about roman numerals, adding whole numbers, property of addition at estimating sums na nakakaloka dahil until now d pa rin niya makuha. Actually makukuha niya ngayon bukas makakalimutan niya….asus! exams pa naman niya bukas! At isa pang nakashock eh gusto niya ako minsan ang sasagot ng assignment niya at dapat gayahin ko ang sulat niya na sobrang hirap gayahin. (I think its karma…remember t. florie? Yung teacher natin nung grade 4? Dba siya rin taga gawa at taga sulat ng assignment ko? Galit na galit ka pa nga sa akin nun eh. Hehehehehe) kaya ko lang naman ginagawa yun dahil hindi niya talaga gagawin yun at baka bumaba ang kanyang mga grades…lalon ang bababa ng kanyang mga quizzes ewan ko dun lagi ko naman siyang nirereview.

Lam mo naaasar lang ako kela mama dahil masyado raw akong dedicated sa ginagawa ko eh 500 lang daw ang sweldo ko. At bakit daw pag sinasabing laro tayo nakikipag laro na man daw ako. So what kung 500? Im not after their money. Ang gusto ko lang naman yung friendship nila. Guto ko na nakikita ko na masaya sila. They don’t have an elder brother or sister kaya pag inaaya nila akong maglaro nakikipaglaro talaga ako. saka bago kami maglaro sinisiguro ko munang wala na talaga silang assignments at pagkatapos naming maglaro tatanungin ko sila ulit. Nakikita ko naman ang saya nila at alam kong masaya ako pagnilalaro ko sila….na kahit kelan hindi mabibili ng pera. I think that’s one of the reason bakit ayaw nila maging tutor si monmon dahil si monmon gusto aral aral aral ako kc pag ayaw na nilang magaral ulit after doing their assignments, im not forcing them kasi kahit magbasa yun or turuan ko man d nila maiintindihan dahil ayaw nga eh! D ba nga may ADDHD si Janelle?at si sj overconfident sa sarili niya sabagay matalino naman siya so akala niya kaya niya lahat. Pag nagpaturo na lang ayun turuan ko. Siguro kaya mas mabait sa akin yung dalawang bata…at saka yol,a you know naman why im doing this dba? Believe me, malaki ang tulong…..

After our roller-coaster-ride-like tutor session. Umuwi na ako to eat dinner with my family. Minsan pag maraming assignment si Janelle dun ako naghahapunan sa kanila. But this time iniwan ko muna si Janelle at sabi ko babalikan ko na lang siya kc dba its my birthday dapat kasama kong kumain ang family ko not other family.

After eating bumalik na ako dun at chineck ang kanyang math test…as expected d niya nasagutan ang estimating sums! Tiniruan ko ulit syempre hoping na masagutan niya ang kanyang long quiz. Tapos uwi ulit tulog…..zzzzzzzzzzzz

So what are my birthday wishes….marami po eh baka bukas na tayo matapos. Basta sad lang ako kc d natupad yung 2 sa marami kong wish. Yung isa, a birthday greeting from Karl na lam kong Malabo dahil d niya alam ang alandline ko, cell no. ala din siyang friendster account. Pero my isang way….alam niya address ko…pero im no longer expecting. Yung isa alam ko rin na hindi mangayari dahil never naman talaga nangyari yun eh. Kaya lang niya nalaman last year kc may kodigo siya…….hehehehehehe

Sya nga pala salamat po sa lahat ng mga bumati may you have more graces to come at sa mga hindi man lang nageffort!!!!! Bless you! Joke! Ok lang po…..

Ei yola what nga pala gusto nio kaye? Tell me ha……see yah! Gudluk sa lahat! Ingat

Ps.

May gusto akong sabihin na lam ko hindi na dapat…….ang birthday ko katulad pa rin ng dati….masaya pero kulang……theres emptiness within me…..…..and I don’t know why……….

Thursday, July 14, 2005

zyrille's back!

hi! IM BACK! what a bad news for all of us! mag 1:00 na and nagpapahinga lang ako sandali. medyo nangalahati na yung labahan ko but still marami pa akong labahan at marami pang gagawin like cleaning da haus n echetera....mamaya 3:00 pupunta na ako sa aking mababait na tutor.....

i woke up dis morning around 6:30 am. binuksan ang tv to see kung anong laman ng mga news ngayon and to my dismay yun pa rin! as usual si gloria at ang kanyang malateleseryeng buhay pangulo.tapos si singson may nilabas na tape na pinaguutos daw ni erap na ipapatay si gloria. well, kung ako ang tatanungin wala akong pinaniniwalaan sa kanila dahil matagal na nilang inalis ang tiwala ng inang bayan.
bahala na nga sila sa kanilang mga buhay. sabi nga sa bible, kung sino sa inyo ang hindi nakakagawa ng kasalanan, siya ang unang bumato sa babaing ito….d ba dapat ganun? Asus! Dapat dyan sa mga pulitiko eh bumalik ng grade 1 dahil talo pa sila ng mga bata!

Hehehe.tama na nga yang tungkol sa pulitika na mukha ng nilublub sa putikan dahil sa sobrang dungis…kawawang inang bayan! Anyways, medyo sumaya naman ako kc after many million years of waiting, nagtext na rin si yola at si kaye. Si yola as usual a simple but inspiring quote. Si kaye quote din pero may kasamang bad news na pinag init na naman ng ulo ko. Feeling ko nga nagkabaliktad lahat ng mga organs ko buti bumalik.

I admit naman na namimiss ko na silang 3. si yola, si kaye at yung isa pa. of course naiintindihan ko naman sila kung bakit minsan d sila nagrereply. They are so busy. Si yola at si kaye busy sa school at si ano…sa work although sometimes kahit busy nagrereply siya at pag nagrereply siya kumpleto na ang araw ko! Sometimes quotes minsan sinasabi niya kung anong ginagawa niya. Nung isang araw nga nagtext ako sa kanya d sia nagreply sabi ko aha! La na namang load! After 3 days, nagulat ako nagtext kahit d pa ako nagpapadala! Hehehe. Ang masasabi ko lang masaya ako sa takbo ng friendship namin d katulad ng dati na lagi kaming magkagalit kaya ngayon im doing everything para d masira ang friendship namin at kahit malayo ako, lagi kong sinasabi na andito lang ako….

Yola…itong batang ito! Ninerbyos ako nung isang araw! Naglagay ba naman ng farewell note sa kanyang blog! D pa nga ako umaalis eh. Tapos after 2 or 3 hrs natusok ako nung sting ng wasp kaya feeling ko tuloy mamamatay na ako! Grabeh! Maiyak iyak nga ako nun and i kept on asking Jesus na wag muna akong kunin…hehae!kung ako ang tatanungin gusto kong umalis na ayaw. Gusto syempre sino bang ayaw tumira dun and because of the present situation of our country, talagang maiisip mo na talagang manibang bansa. Ayaw dahil syempre, andito sila eh. Yung mga pinakamamahal ko mga tao….. well si yola d na siya masyadong mnagtetext but I know naman busy siya at mahirap ang kanyang pinagaaralan at alam kong kailangan niyang mag-aral ng mabuti upang makaiwas na sa galit ng kanyang mga magulang..gudluk yola! May you have more teeth to come este graces to come pala hehehehe.

Kaye…hahahaha. Nakakatawa.isang araw nasalubong ko si ate bong sa mercury drug. She asked me kung asan daw yung isa kong kasama. Sabi ko si kaye po ba? Oo…nakakatawang isipin na may mga tao pa ring nagtatanong kung asan si kaye, ang lagi kong kasama nung ako ay nasa sekondarya pa lamang. Minsan pag magkasama kami, lagi nilang sinasabi kayo na naman?hahaha. sabi nila ang galling naman namin kasi mapang hanggang ngayon, magkasama pa rin kami. Hindi nila alam nagsimula kami sa masalimuot na sitwasyon. Mga bata pa kasi kami before at laging pinagaawayan ang mga bagay na hindi naman dapat pagawayan. Unti-unti nagmamature kami at nauunawaan na namin ang buhay at pinagtatawanan na lang namin ang aming nakaraang dulot ng aming murang isipan…at ngayon masasabi kong maayos at tatagal ang aming pagkakaibigan. Sana lang ay malampasan niya any mga trials at ang nakaraang gumugolo pa rin sa kanya…

Ano pa ba?? Ay oo nga pala! Asar nga pala ako sa aking butihing kapatid. Muntik ba naman niyang sabihin kay mama kung sino ang bago kong crush? Sabi pa niya kamuka nga ni U KNOW HU. Matangkad, maitim,may itsura at mukang probinsyano….( bakit ba kasi lagi na lang siya no). o sige sasabihin ko na nga kung sno siya but warning!!!!sasakit ang tyan mo sa kakatawa…isa po siyang tricycle driver…..sige tawa pa!its ok! Pero katulad na aking nabanggit, kamukha nga po niya. But mas bata cguro nasa early or mid 20’s. it all started with a smile. Lagi kasi siyang nakasmile sa akin pag nakikita niya ako. Ang sungit ko naman kung d ako ngingiti dba? So ningingitian ko rin siya. Laging ganon pag nagkikita kami. Den one night, pag kagaling go galling ojt, siya lang yung nakapark dun so no choice sa kanya ako sasakay. And nakita ko ngumiti siya when he saw me. Pagkasakay ko since red light, he asked me kung bakit ako ginabi sabi ko duty ko 2-10. I dint know kung imagination ko pero may kilig ang voice niya angdpara siyang tuwangtuwa sa pagtatagpo naming yon. ( nasusuka ka na no? k lang yan) bast laging ganun pag nagkikita kami.syempre kinikilig rin ako. Tapos isang araw sumakay ako dun sa isang tricycle, lumapit siya sabi niya ingatan mo yan ha….nagulat po ako syempre. I don’t know kung anong ibig sabihin niya but syempre natuwa ako dun. Kaso one night, nung inutusan ako ni mama bumili ng something sa tindahan, nakita ko siya and may kausap siyang girl! ( poor zay!) after nun nagiba na yung pagtingin ko sa kanya, kung dati gusto ko siya Makita, nagun ayoko na muna. Im asking nga yola kung ngingitian ko pa ba siya or dedma na lang…kaso sa sobrang busy ng buhay niya, d pa niya sinasagot pero syempre im willing to wait even for a millllion years….yun muna ha….

Oi!!!! Lapit na ang aking kaarawan! At ako pa pala ay magbebente na hehehehe. Sabi nila dapat daw akong maghanda dahil 20 na nga ako dba? Sabi ko ayaw ko dahil gastos lang! but deep inside my iba pang dahilan like personal problems, family problems, financial problems, my friends are not happy although they are are trying to hide their sadness at ang ating bansa! Si kaye, hinahunting ng kanyang nakaraan at nawalan siya ng isang matalik na kaibigan dahil na rin sa kanyang kagagawan, si mm she lost her beloved mother, si yola ay naku! Si yola! Ang dami niyang problema, study, personal, friends, lovelife etc. grabe yola! At sina peng…d ko na ilalagay kung bakit since ayaw ng pagusapan ni yola…at kung ano man ang nangyayari sa kanila ngayon, nasasaktan ako,naapektuhan. feeling ko its my fault. sana lang malampasan nila ito at hindi sila tuluyang magkawatakwatak....nasa iloilo pala ang bata.... Kaya d na lang ako magcecelebrate. Ditto na lang ako sa bahay. Ccmba maglilinis kakain matutulog tuturuan si Janelle echetera…bahala na…..basta sana lang kahit sandali maging masaya ako at kung ano man ang pinagdadaanan naming lahat, sana malampasan nanamin lahat ng ito……….


Oh no! 2 na dami pa akong gagawin! Gotta go! See yah! Dami pa ako kwento saka na lang pagbalik ko! =>