zyrille's journey to a new beginning

nagtanong pa! ask yola! she knows everything!

Thursday, July 14, 2005

zyrille's back!

hi! IM BACK! what a bad news for all of us! mag 1:00 na and nagpapahinga lang ako sandali. medyo nangalahati na yung labahan ko but still marami pa akong labahan at marami pang gagawin like cleaning da haus n echetera....mamaya 3:00 pupunta na ako sa aking mababait na tutor.....

i woke up dis morning around 6:30 am. binuksan ang tv to see kung anong laman ng mga news ngayon and to my dismay yun pa rin! as usual si gloria at ang kanyang malateleseryeng buhay pangulo.tapos si singson may nilabas na tape na pinaguutos daw ni erap na ipapatay si gloria. well, kung ako ang tatanungin wala akong pinaniniwalaan sa kanila dahil matagal na nilang inalis ang tiwala ng inang bayan.
bahala na nga sila sa kanilang mga buhay. sabi nga sa bible, kung sino sa inyo ang hindi nakakagawa ng kasalanan, siya ang unang bumato sa babaing ito….d ba dapat ganun? Asus! Dapat dyan sa mga pulitiko eh bumalik ng grade 1 dahil talo pa sila ng mga bata!

Hehehe.tama na nga yang tungkol sa pulitika na mukha ng nilublub sa putikan dahil sa sobrang dungis…kawawang inang bayan! Anyways, medyo sumaya naman ako kc after many million years of waiting, nagtext na rin si yola at si kaye. Si yola as usual a simple but inspiring quote. Si kaye quote din pero may kasamang bad news na pinag init na naman ng ulo ko. Feeling ko nga nagkabaliktad lahat ng mga organs ko buti bumalik.

I admit naman na namimiss ko na silang 3. si yola, si kaye at yung isa pa. of course naiintindihan ko naman sila kung bakit minsan d sila nagrereply. They are so busy. Si yola at si kaye busy sa school at si ano…sa work although sometimes kahit busy nagrereply siya at pag nagrereply siya kumpleto na ang araw ko! Sometimes quotes minsan sinasabi niya kung anong ginagawa niya. Nung isang araw nga nagtext ako sa kanya d sia nagreply sabi ko aha! La na namang load! After 3 days, nagulat ako nagtext kahit d pa ako nagpapadala! Hehehe. Ang masasabi ko lang masaya ako sa takbo ng friendship namin d katulad ng dati na lagi kaming magkagalit kaya ngayon im doing everything para d masira ang friendship namin at kahit malayo ako, lagi kong sinasabi na andito lang ako….

Yola…itong batang ito! Ninerbyos ako nung isang araw! Naglagay ba naman ng farewell note sa kanyang blog! D pa nga ako umaalis eh. Tapos after 2 or 3 hrs natusok ako nung sting ng wasp kaya feeling ko tuloy mamamatay na ako! Grabeh! Maiyak iyak nga ako nun and i kept on asking Jesus na wag muna akong kunin…hehae!kung ako ang tatanungin gusto kong umalis na ayaw. Gusto syempre sino bang ayaw tumira dun and because of the present situation of our country, talagang maiisip mo na talagang manibang bansa. Ayaw dahil syempre, andito sila eh. Yung mga pinakamamahal ko mga tao….. well si yola d na siya masyadong mnagtetext but I know naman busy siya at mahirap ang kanyang pinagaaralan at alam kong kailangan niyang mag-aral ng mabuti upang makaiwas na sa galit ng kanyang mga magulang..gudluk yola! May you have more teeth to come este graces to come pala hehehehe.

Kaye…hahahaha. Nakakatawa.isang araw nasalubong ko si ate bong sa mercury drug. She asked me kung asan daw yung isa kong kasama. Sabi ko si kaye po ba? Oo…nakakatawang isipin na may mga tao pa ring nagtatanong kung asan si kaye, ang lagi kong kasama nung ako ay nasa sekondarya pa lamang. Minsan pag magkasama kami, lagi nilang sinasabi kayo na naman?hahaha. sabi nila ang galling naman namin kasi mapang hanggang ngayon, magkasama pa rin kami. Hindi nila alam nagsimula kami sa masalimuot na sitwasyon. Mga bata pa kasi kami before at laging pinagaawayan ang mga bagay na hindi naman dapat pagawayan. Unti-unti nagmamature kami at nauunawaan na namin ang buhay at pinagtatawanan na lang namin ang aming nakaraang dulot ng aming murang isipan…at ngayon masasabi kong maayos at tatagal ang aming pagkakaibigan. Sana lang ay malampasan niya any mga trials at ang nakaraang gumugolo pa rin sa kanya…

Ano pa ba?? Ay oo nga pala! Asar nga pala ako sa aking butihing kapatid. Muntik ba naman niyang sabihin kay mama kung sino ang bago kong crush? Sabi pa niya kamuka nga ni U KNOW HU. Matangkad, maitim,may itsura at mukang probinsyano….( bakit ba kasi lagi na lang siya no). o sige sasabihin ko na nga kung sno siya but warning!!!!sasakit ang tyan mo sa kakatawa…isa po siyang tricycle driver…..sige tawa pa!its ok! Pero katulad na aking nabanggit, kamukha nga po niya. But mas bata cguro nasa early or mid 20’s. it all started with a smile. Lagi kasi siyang nakasmile sa akin pag nakikita niya ako. Ang sungit ko naman kung d ako ngingiti dba? So ningingitian ko rin siya. Laging ganon pag nagkikita kami. Den one night, pag kagaling go galling ojt, siya lang yung nakapark dun so no choice sa kanya ako sasakay. And nakita ko ngumiti siya when he saw me. Pagkasakay ko since red light, he asked me kung bakit ako ginabi sabi ko duty ko 2-10. I dint know kung imagination ko pero may kilig ang voice niya angdpara siyang tuwangtuwa sa pagtatagpo naming yon. ( nasusuka ka na no? k lang yan) bast laging ganun pag nagkikita kami.syempre kinikilig rin ako. Tapos isang araw sumakay ako dun sa isang tricycle, lumapit siya sabi niya ingatan mo yan ha….nagulat po ako syempre. I don’t know kung anong ibig sabihin niya but syempre natuwa ako dun. Kaso one night, nung inutusan ako ni mama bumili ng something sa tindahan, nakita ko siya and may kausap siyang girl! ( poor zay!) after nun nagiba na yung pagtingin ko sa kanya, kung dati gusto ko siya Makita, nagun ayoko na muna. Im asking nga yola kung ngingitian ko pa ba siya or dedma na lang…kaso sa sobrang busy ng buhay niya, d pa niya sinasagot pero syempre im willing to wait even for a millllion years….yun muna ha….

Oi!!!! Lapit na ang aking kaarawan! At ako pa pala ay magbebente na hehehehe. Sabi nila dapat daw akong maghanda dahil 20 na nga ako dba? Sabi ko ayaw ko dahil gastos lang! but deep inside my iba pang dahilan like personal problems, family problems, financial problems, my friends are not happy although they are are trying to hide their sadness at ang ating bansa! Si kaye, hinahunting ng kanyang nakaraan at nawalan siya ng isang matalik na kaibigan dahil na rin sa kanyang kagagawan, si mm she lost her beloved mother, si yola ay naku! Si yola! Ang dami niyang problema, study, personal, friends, lovelife etc. grabe yola! At sina peng…d ko na ilalagay kung bakit since ayaw ng pagusapan ni yola…at kung ano man ang nangyayari sa kanila ngayon, nasasaktan ako,naapektuhan. feeling ko its my fault. sana lang malampasan nila ito at hindi sila tuluyang magkawatakwatak....nasa iloilo pala ang bata.... Kaya d na lang ako magcecelebrate. Ditto na lang ako sa bahay. Ccmba maglilinis kakain matutulog tuturuan si Janelle echetera…bahala na…..basta sana lang kahit sandali maging masaya ako at kung ano man ang pinagdadaanan naming lahat, sana malampasan nanamin lahat ng ito……….


Oh no! 2 na dami pa akong gagawin! Gotta go! See yah! Dami pa ako kwento saka na lang pagbalik ko! =>

1 Comments:

At 10:37 PM, Blogger yoles said...

oist! dunno about ur new crush... dont judge him base on his state of life.. and don't think anything negative first ha... malay mo... hehe
about our country's situation.. i hope ur stil hopeful ha.. and work hard for our future to contribute na din... hwag magbibingi-bingihan at hwag magbulag-bulagan... at who told you that i have a lot of problems? i guess, minsan but they are not really problems... im just being my dramatic self and ala ako nareceiv na txt mo regarding sa crush mo... hehe

 

Post a Comment

<< Home