kaibigan
kung meron man akong dapat ikainis ngayong gabi ay ang aking paghihintay na nauwi sa wala at pagkabalisa. Umaasa pa naman ako na ngayong gabi ay makakausap ko ang isa sa mga taong dahilan ng aking patuloy sa pakikibaka sa daan ng buhay.......nag-antay ako umaasang sa pamamagitan ng isang mensahe ay mawala ang aking pangungulila. pangungulila sa kaibgang matagal mo nang gustong kamustahin at nais mo sanang malaman kung siya ay nasa mabuting kalagayan kahit sa ilang minuto lamang......ngunit wala.....wala man lang siyang pinadala....inaamin ko nasaktan ako....nasasaktan ako kapag hindi man lang ako pinapadalhan ng mga mensahe ng aking mga kaibigan lalo na kung sa mga oras na ako ay nasa gitna ng kalungkutan at humihingi lamang ng konting sandali upang mapasaya ang naghihinagpis na kaibigan...minsan ay hindi nila napapansin dahil kadalasan ito ay pabiro.....at ayoko naman talaga nilang malaman...nakakahiya...sino ba ko? isa lamng akong nilalang.......
ngayon para akong sira na nag-iisip kung bakit, ako ba ay may nagawa o nasabi o sadyang wala nga lamang siyang load o di kaya siya ay maraming ginagawa......un na lang lagi....... siguro ay mas mabuti pang itulog ko na lamng ito, katulad ng aking nakasanayan tuwing ako ay nalulungkot at walang karamay, at hinihiling kay ulan na isama na lamg niya ang aking dinadala sa kanyang paglisan.....na sabihin niya kay hangin na ihihip ito sa malayo ng hindi na magbalik pa sa aking alaala...na ako ay patulugin ngayong gabi ng mahimbing at bukas sa aking paggising isang magandang umagang nag-aantay na puno ng pag-asa at pagmamahal at hindi masisilayan ang bakas ng isang gabing malamig at isang pusong nangungulila sa kanyang mga kaibigan.........
bukas, katulad ng dati, kakalimutan kong ako ay nagdaramdam
bukas,katulad ng dati,mawawalang lahat ng aking pangungulila
bukas,katulad ng dati,isa pa rin akong kaibigang handang gawin lahat sa ngalan ng pagkakaibigan......

1 Comments:
ang drama naman nito... cno ba itong friend na ito? sorry kung isa ako dun sa mga hindi nakakapagreply dahil ako nga ay busy... ngiti na jan!
Post a Comment
<< Home